ILANG JEEPNEY AT TRICYCLE DRIVERS, NAGTIGIL PASADA MUNA ALINSUNOD SA GILON GILON ED DALAN KAHAPON

Tigil pasada muna ang ilan sa mga jeepney at tricycle drivers sa Dagupan City alinsunod sa naganap kahapon na Gilon Gilon Ed Dalan.
Bunsod ito ng naganap na pagsara ng ilang kalsadahan mula sa Burgos St., Perez Blvd., MH Del Pilar St., at ang kahabaan ng AB Fernandez Ave.
Saad ng ilang jeepney at tricycle drivers na makikinuod na lang muna sila sa street dancing competition karamihan naman sa mga tao ay nakikiisa sa Gilon Gilon ed Dalan.

Hindi naman pinagbawalan pumasada dahil maaari pa rin nilang ituloy ang pasadahan lalo na at may mga rerouting naman na naibigay o mga alternatibong daan ang kailangan nilang daanan habang mayroon pang street dance.
Ang karamihan ay nagpatuloy naman sa pagpapasada pagkatapos ng Gilon Gilon lalo na para sa mga dumagsang sasakay pabalik sa kanilang mga destinasyon. |ifmnews
Facebook Comments