Ilang jeepney driver, ikinatuwa ang pag-aalis ng “no vaccine, no ride” policy

Ikinatuwa ng ilang driver ng jeepney at iba pang pampublikong sasakyan tulad ng bus ang pag-aalis sa “no vaccine, no ride” policy.

Ngayong nasa Alert Level 2 na ang National Capital Region (NCR), inalis na ang “no vaccine, no ride” policy.

Ayon sa mga driver, mas marami silang kikkitain ngayon dahil may mga pasaherong makakasakay na kahit hindi bakunado.


Mas mapapadali na rin anila ang trabaho dahil hindi na sila maya’t mayang magtatanong kung may vaccine card ang mga pasahero.

Bukod pa sa biglaan inspeksyon ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) na maaari silang mahuli at pagmultahin na magdudulot pa abala sa kanilang pamamasada.

Sa kabila nito, nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) na huwag abusuhin ang pagluluwag sa pagsakay ng mga pasahero at panatilihin ang 70% capacity sa mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments