Ilang jeepney driver na nagkakasa ng tigil-pasada, iginiit na wala silang pangha-harass na ginagawa sa kapwa tsuper na ayaw tumigil sa kanilang biyahe

Iginiit ng Manibela Parañaque Chapter na wala umanong nangyayaring pangha-harass o panghaharang sa kanilang kapwa tsuper na hindi tumitigil sa pagpapasada sa kabila ng transport strike ng kanilang grupo

Ayon kay Allan Matandag, ang presidente ng Manibela Parañaque Chapter, hindi umano nila gagawin ang mamilit, ngunit inaanyayahan lamang nila ang mga ito dahil iisa lamang naman sila ng ipinaglalaban at sila lang din ang makikinabang.

Aniya, nasa kanila pa rin naman kung babiyahe sila sa gitna ng tigil-pasada basta’t tuloy lang sila sa kanilang hinaing at ipinaglalaban patungkol sa PUV modernization program.


Samantala, hindi pa rin ramdam ang tigil-pasada ng Manibela sa ilang ruta sa Southern part ng Metro Manila at patuloy naman ang biyahe at dating ng mga jeep na pumapasada.

Facebook Comments