Nananatiling nasa 11 pesos pa rin ang sinisingil na pamasahe ng ilang jeepney driver sa Pangasinan kahit pa epektibo na ang 12 pesos na minimum na pamasahe sa tradisyonal public utility jeepney ngayong araw.
Ayon sa mga nakapanayam na PUJ driver ng IFM Dagupan, wala pang ibinababang taripa o fare matrix ang kanilang mga operators.
Sinabi ni Attorney Anabel A. Marzan-Nullar ng LTFRB, kailangan munang makapagbayad ng fare increase fee upang mabigyan ang mga ito ng fare matrix guide na ipapaskil sa mga PUVs.
Nauna na ring ibinabala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pwedeng maningil ng dagdag-pasahe ang mga tsuper kung wala pang nakapaskil na bagong fare matrix.
Ang mga requirements sa pagkuha ng bagong fare matrix (taripa):
1) Current OR/CR
2) Franchise Verification
3) Copy of provisional authority/CPC decision
4) Official Receipt (OR) of Payment of Fare Increase Fee
1) Current OR/CR
2) Franchise Verification
3) Copy of provisional authority/CPC decision
4) Official Receipt (OR) of Payment of Fare Increase Fee
Ang pagtaas ng pamasahe ay base sa hinaing ng mga operators’ ng pampublikong sasakyan kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments