Tinuruang magtahi at maging malikhain ang ilang kababaihan sa Mangatarem bilang eco-friendly na alternatibo sa pagbabawas ng basura.
Mula sa lecture hanggang sa hands-on na paggamit ng makina sa pagtatahi ng mga basurang tetra packs, papel at magazine, natutong gumawa ng palamuti ang mga benepisyaryo tulad ng garland, eco bag, at flower pen.
Inaasahang magbibigay ng karagdagang kita ang programa sa mga kalahok na maaaring ibenta.
Taon-taon isinasagawa ang programa sa iba’t-ibang kalahok mula sa Mangatarem at inaasahang makakatulong pa sa mas maraming benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









