ILANG KABAHAYAN NASUNOG SA MANGALDAN, PANGASINAN

MANGALDAN, PANGASINAN – Sumiklab ang sunog na tumupok sa limang kabahayan sa Brgy. Bari, Mangaldan, Pangasinan pasado 2:00 ng hapon, kahapon ika- 02 ng Oktubre.

Ayon sa otoridad, nagsimula ang sunog sa isang bahay na pagmamay-ari ni Steve Ramirez. Dahil gawa ito sa light materials agad itong kumalat sa apat pang kabahayan.

Naging pahirapan ang pagpasok ng mga fire truck ng BFP sa lugar ng insidente dahil sa masikip na daan.


Wala namang naireport na nasaktan o namatay sa sunog at idineklarang fire out pasado 4: 55 ng hapon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente na tumupok sa 250, 000 na ari-arian.

Facebook Comments