Iginiit ng ilang kabataan sa Pangasinan ang kahalagahan ng matalinong pagboto sa darating na halalan sa Mayo ngayong taon.
Ayon kay Christian, isang student leader sa isang malaking unibersidad sa Dagupan City, dapat umano na magamit sa tapat at responsableng pagpili ng taong ihahalal ang bawat boto.
Mahalagang malaman ng mga kabataan o Millennials at Generation Z ang kanilang mahalagang gampanin bilang isa sa pinakamataas na porsyento ng mga botante sa bansa.
Dito rin umano mapapatunayan ang tunay na malasakit ng mga kabataan sa kanilang hinaharap sa tulong ng pagbibigay kaalaman sa kanila upang maging wais at walang bahid ng pangungurakot ang mapipiling lider sa darating na eleksyon.
Iginiit din nito ang dapat na taglayin ng isang lider upang makapaglingkod ng tapat at totoo sa mamamayang Pilipino.
Suhestiyon nito sa Kapwa kabataan na Huwag din umanong magpapalinlang sa mga matatamis na salita at pangako at bagkus tingnan ang platspormang makakatulong sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨