ILANG KABATAAN SA TUGUEGARAO CITY, TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

11

Cauayan City, Isabela- Muli nanamang namahagi ng livelihood assistance sa mga kabataan ang Sangguniang Kabataan ng Annafunan East sa Tuguegarao City, Cagayan.

Bukod sa mga educational assistance na ipinamamahagi ng SK ng Annafunan East sa kapwa nila kabataan mula elementarya hanggang kolehiyo, inilunsad din ng mga ito ang programang Youth Entrepreneurship Support o YES.


Layon nito na matulungan ang iba pang mga kabataan maging ang kanilang mga magulang na magkaroon ng kahit maliit na pagkakakitaan at pagkakaabalahan sa gitna ng pandemya.

Kaugnay nito, masaya namang ibinahagi ni SK Annafunan East Chairperson Gerald Valdez sa kanyang Facebook post ang karagdagang limang (5) benepisyaryo ng nasabing programa na swerteng nakatanggap ng livelihood assistance ngayong buwan ng Setyembre.

Una nang namahagi ng kahalintulad na tulong pangkabuhayan ang SK Annafunan East sa mga kapwa nila kabataan noon pang buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments