Kasabay ng pagbuhos ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Former Five-Time House Speaker Jose De Venecia Jr., ay ang umaapaw na inspirasyon sa mga kabataang Dagupeño sa iniwang legasiya ng mambabatas.
Sa pagdating ng labi ni JDV sa Dagupan City, kabilang sa mga sumalubong ang mga kabataang mag-aaral na nagsabing bagaman hindi nila naabutan ang kanyang buong panunungkulan, nakatatak pa rin umano ang kanyang mga naging kontribusyon sa bansa.
Bukod dito, tinawag din na role model ng ilan ang mambabatas dahil sa personalidad nito.
Samantala, sa isinagawang necrological program noong Sabado, sinariwa ng Pamahalaang Panlungsod ang mga naging hakbang ni JDV upang gawing national priority ang pagbangon ng Dagupan City mula sa matinding pinsala ng malakas na lindol noong 1990.










