Ilang kadete ng PMA, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo na may mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang nagpositibo sa COVID-19.

Pero hindi nya matukoy kung ilang mga kadete ang naging infected ng virus.

Sa ngayon aniya ay ginagawa na ang detection, isolation at treatment sa mga nagpositibo bago muling ihalo sa PMA Cadet Corps.


Sinabi ni Arevalo, nakuha ng mga kadete ang virus sa mga food handler na ngayon ay naka-isolate na rin.

Aniya pa nakumpirmang positibo sa COVID-19 ang ilang kadete matapos na isailalim sa RT-PCR test ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ngayon, sinabi ni Arevalo na nagpapatuloy ang online classes ng mga kadete sa akademya sa harap na rin ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak din ng pamunuan ng PMA na ginagawa nila ang lahat para hindi na dumami pa ang mahawaan ng COVID-19 sa loob ng akademya.

Facebook Comments