Mas pinag-iiting pa ang kahandaan ng lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office laban sa mga kalamidad at sakunang possible muling tumama sa lalawigan.
Alinsunod dito, siniguro ng ahensya ang pagkakaroon ng sapat na mga kagamitan para sa emergency response o ang pagtugon sa mga saklolo tulad ng indigenous rain gauge na gawa naman sa recycled water gallon at maaari pang magsilbi bilang isang early warning device at ang indigenous life vest na gawa rin sa recycled plastic bottles.
Kaugnay din nito ay iprinesenta ang mga DRRM equipment o mga kagamitan para sa sakuna sa sa naganap na “Alerto! Rehiyon Uno Forum on Geological Hazards in Region 1” ng Department of Science and Technology (DOST).
Layunin nitong maging kumpleto ang mga kagamitan upang mas matiyak ang kaligtasan ng mga bawat Pangasinense laban sa anumang sakuna o kalamidad.
Samantala, nauna na ring pinaalala ng Pangasinan PDRRMO na ngayong buwan ng Agosto ay nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR kaya pinapayuhan ang lahat na maging alerto at ligtas sa laban sa mga maaaring maging epekto ng anumang kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments