Maaga nang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Bautista ang ipatutupad na road closure at rerouting ng mga motorista kaugnay ng gaganaping fireworks display sa Enero 1, 2026.
Ayon sa anunsyo, ipatutupad ang pagsasara ng kalsada simula alas-dose ng tanghali hanggang alas-dose ng madaling araw sa nasabing petsa.
Apektado ng road closure ang bahagi ng Magsaysay Avenue mula Basista Public Market hanggang Palma Bridge.
Para sa mga light vehicles, maaaring dumaan sa Zamora Street bilang alternatibong ruta, habang ang mga heavy vehicles ay idaraan sa Brgy. Mapolopolo palabas ng Brgy. Navatat.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga residente at motorista upang bigyang-daan ang ligtas at maayos na taunang fireworks display sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







