Ilang kakalsadahan sa Bayambang Pangasinan isasara ngayong araw

Isasara ang ilang kakalsadahan sa bayan ng Bayambang dahil pagsisimula ng isang linggong kapiyetsahan nito ngayong araw hanggang sa ika – 8 ng Abril.
Ginugunita ng bayan ang 400th Foundation Day ng simabahan at ika 600th Death Anniversary ng patron na si San Vicente Ferrer. Isasara ng 5: 00 ng umaga ang Quezon Blvd. San Carlos- Basista- Bayambang Road at magsisimula ang prusisyon 6: 00 ng umaga sa Bayambang Baptist Church, kakaliwa sa Sto. Niño Hospital papuntang Rizal avenue.
Paalala ng PNP Bayamabang na umiwas sa nasabing ruta ng parada upang hindi maabala. Ipinagbabawal sa kapiyestahan ang pagdadala [image: 56260483_800999016924755_6719007135184715776_n.jpg]
ng anumang klase ng bag (backpack, sling bag atbp.), anumang sisidalan ng tubig na hindi transparent, matatalim at matutulis na bagay na maaring makapatay o makapanakit at alagang hayop.
###
***Contributed by
Joshua Sulla
Erwin Cayabyab

Facebook Comments