ILANG KAKALSADAHAN SA LINGAYEN, PANSAMANTALANG ISASARA SA ENERO 2 PARA SA MOTORCADE NG KAPISTAHAN

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Lingayen sa Enero 2 upang bigyang-daan ang isasagawang motorcade bilang bahagi ng Lingayen Capital Festival and Cultural Presentation 2026.

Ayon sa traffic advisory, magsisimula ang motorcade alas-7:00 ng umaga, habang ang assembly area ay itinalaga sa Dela Cruz Auditorium mula alas-6:00 hanggang alas-6:30 ng umaga.

Dadaan ang motorcade sa mga pangunahing kalsada ng Lingayen, magsisimula at magtatapos sa Dela Cruz Auditorium, iikot sa mga barangay ng Baay, Domalandan, Balangobong at Capandanan, at babalik sa town proper sa pamamagitan ng Avenida Rizal, Maramba Boulevard, Sto. Niño Street, M. Castillo, Alvear at Maniboc area.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at maghanda sa pansamantalang pagkaantala ng daloy ng trapiko mula alas-6:30 hanggang alas-9:00 ng umaga sa mga rutang dadaanan ng motorcade.

Hiniling ng mga awtoridad ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko upang maging maayos ang isinasagawang aktibidad, kasabay ng paanyayang suportahan ang mga kalahok sa pagdiriwang ng kapistahan.

Facebook Comments