Nag-abiso ang Tourism Operations ng Pozorrubio sa mga motorista na dadaan sa pangunahing lansangan ng Caballero St. Poblacion dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa January 13.
Ito ay bilang paghahanda sa gaganaping Street Dancing Competition na bahagi ng nagpapatuloy na Patupat Festival sa bayan kung saan isasara ang buong kalye para sa dagsa ng manonood.
Kaugnay nito, maaaring dumaan sa Manaoag at Sison ang mga motorista bilang pansamantalang rerouting scheme upang hindi lubos maapektuhan ng aktibidad.
Patuloy naman ang apela ng awtoridad sa kooperasyon ng publiko upang maging matiwasay at ligtas ang selebrasyon ng kapistahan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments