Ilang kalalakihan, huli sa Pasig dahil sa pagsusugal

Arestado ang 3 lalaki matapos maaktuhang nagsusugal sa Pasig City.

Kinilala ang nga suspek na sina Jessie Labuac, 42 anyos, Jimmy Hilario, 47 at Mark Sta Isabel, 46 anyos.

Ayon kay Pat Romel Basila, nagpapatrolya sila sa Jenny’s Avenue Brgy. Rosario, Pasig City kasama ang Brgy. Rosario Security Force na maaktuhang nagsusugal gamit ang dice.


Magiging matibay na ebidensya laban sa mga suspek ang na-recover na mga kagamitan sa pagsusugal at pera na pamusta.

Nabatid na ilang sumbong na rin ang natanggap ng mga pulis kaugnay sa pagsusugal sa nabanggit na lugar.

Kakasuhan ang mga inaresto ng paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling kung saan maari silang makulong at magmulta ng libo-libong halaga.

Facebook Comments