Nasa 98 kalsada at 49 na tulay pa rin ang hindi madaanan ng mga motorista dahil sa pinsalang tinamo bunsod ng pananalasa ng nagdaang Bagyong Paeng.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 65 na kalsada ang nananatiling unpassable sa Region 6, 16 sa Region 2, 10 sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat mula sa Region 12 at 1 sa CALABARZON.
Samantala, 22 tulay rin sa Region 6 ang hindi pa madadaanan, 17 sa Region 2, lima sa BARMM, tatlo mula sa Region 12 at tig-isa sa CALABARZON at Region 8.
Ayon sa NDRRMC, ang mga ito ay hindi pa rin madaanan dahil baha, nag-collapse ang slope protection, sira at dahil sa landslide.
Patuloy naman ang ginagawang road clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH).