Ilang kalsada at tulay, nananatiling unpassable pa rin sa mga motorista

Hindi pa rin maaaring daanan ng mga motorista ang 25 kalsada at 11 tulay sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay bunsod ng naranasang sama ng panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA), northeast monsoon at shearline.

Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinaka maraming kalsada na nananatiling unpassable ay mula sa Region 8 na 14, 6 mula sa Region 6, 2 sa Region 9 at tig-iisa sa Regions 2, 3 at 10.


Samantala, ilang tulay rin ang sarado pa rin sa mga motorista kung saan 5 ang mula sa Region 2, tig-2 mula sa MIMAROPA at Region 8 at tig-isang tulay mula Region 9 and 10.

Maliban dito ilang kalsada at tulay rin sa mga nabanggit na lugar ang one lane passable at passable sa mga light vehicles lamang.

Kasunod nito, naka-deploy na ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magsagawa ng clearing operations.

Facebook Comments