Hindi pa rin maaaring daanan ng mga motorista ang 2 kalsada at 4 na tulay sa ilang rehiyon sa bansa.
Ito ay bunsod pa rin ng masamang panahon dulot ng naranasang shearline.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga kalsadang unpassable ay ang Oroquieta, Talic Road sa Misamis Occidental at Camagong Road sa Nasipit, Agusan del Norte.
Samantala, ilang tulay rin ang sarado pa rin sa mga motorista partikular ang Maasin bridge sa Palawan, Rio Tuba bridge sa Bataraza, Palawan, Sigayan bridge sa Dapitan, Zamboanga del Norte at Pines bridge na matatagpuan sa Oroquieta, Misamis Occidental.
Maliban dito ilang kalsada at tulay rin sa mga nabanggit na lugar ang one lane passable at passable sa mga light vehicles lamang.
Kasunod nito, naka-deploy na ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magsagawa ng clearing operations.