Ilang kalsada at tulay nananatiling unpassable sa mga motorista dahil sa epekto ng Bagyong Enteng; ilang lugar sa bansa wala pa ring suplay ng tubig at kuryente ayon sa NDRRMC

Hindi parin madaraanan ng mga motorista ang ilang kalsada at tulay sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa baha bunsod nang paghagupit ng Bagyong Enteng at habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 54 na kalsada mula sa Region 5, CALABARZON at CAR ang nananatiling unpassable sa mga motorista habang 2 tulay rin sa Bicol ang hindi madaraanan dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo.

Samantala, maraming lugar parin sa Bicol Region ang walang linya ng komunikasyon, wala ding suplay ng tubig at kuryente.


Mayroon ding ilang syudad at munisipalidad sa Central Luzon at CALABARZON ang wala paring kuryente at tubig.

Sumampa naman sa 17 kabahayan ang nasira ng bagyo mula sa Regions 5, 6 at 7.

Sa nasabing bilang, walo ang partially damaged habang siyam naman ang totally damaged.

Kasunod nito, tiniyak ng NDRRMC na puspusan ang ginagawang clearing operations sa mga apektadong lugar nang sa ganon ay agad na makarating ang tulong mula sa gobyerno.

Facebook Comments