Ilang kalsada, isasara bukas dahil sa convoy dry run kaugnay ng ASEAN Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista dahil isasara pansamantala bukas ang ilang kalsada sa kahabaan ng Roxas Blvd. patungong Buendia.

Ayon sa MMDA ito ay bilang bahagi parin ng paghahanda sa upcoming 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.

Kabilang sa isasara bukas Oct 8, Linggo, simula alas dos ng hapon hanggang alas nueve ng gabi ang CCP Complex na deklarado bilang ASEAN Delegates Zone.


Partikular ang kahabaang ng Roxas Boulevard southbound mula P. Burgos St. patungong Buendia ito ay upang bigyang daan ang ensayo ng mga sasali sa parade at Landmark Lighting.

Samantala, sarado din sa daloy ng trapiko ang southbound lanes ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), North Luzon Expressway (NLEX) at EDSA mula alas sais ng umaga hanggang alas dyes ng umaga

Inaasahang tatahakin ng convoy ang Pampanga na dadaan sa SCTEX, NLEX at 2 innermost lanes ng EDSA, kasama din ang Skyway patungong Conrad Hotel

Ipapatupad naman ng PNP ang stop-and-go scheme habang dumaraan ang VIP at ASEAN delegates.

Facebook Comments