
Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) sa publiko, partikular sa mga motorista, hinggil sa pansamantalang pagsasara ng mga kalsada sa paligid ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo.
Ito’y dahil sa kaliwa’t kanang aktibidad kaugnay sa Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo kung saan inaasahan na libo-libong deboto ang daragsa.
Ilan sa mga kalsadang isasara ay ang bahagi ng:
• Moriones/ Sta. Maria
• Moriones/ J .Nolasco
• Moriones/ N. Zamora
• Asuncion/ Morga
• Asuncion/ Ortega
• Juan Luna/ Morga
• Juan Luna/ Chacon
• P. Herrera/ Cano
• P. Herrera/ Ylaya
• Lakandula/ Carmen Planas
Nabatid na mula alas-12:00 ng hatinggabi ng January 17 hanggang alas-12:00 rin ng hatinggabi ng January 18 ay isasara ang mga nabanggit na kalsada.
Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ay ang Lakbayaw Festival ng alas-7:00 ng umaga ng Sabado sa Tondo habang Buling-bulong Festival naman sa Pandacan sa Linggo ng umaga.










