Ilang kalsada na pansamantalang sarado sa Maynila, bantay-sarado ng MPD

PHOTO: Emman Mortega/DZXL 558

Todo higpit sa pagbabantay ang ilang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga kaldada na pansamantalang isinara ngayong araw.

Ito’y dahil sa ilang mga aktibidad na ikinakasa sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na bukod sa sarado ang mga kalsada sa paligid ng mga unibersidad kung saan ginaganap ang Bar exams, may isinara ring kalsada para naman sa Alay Lakad 2023.


Sa abiso ng lokal na pamahalaan, hanggang alas-12:00 ng tanghali ang Alay Lakad kaya’t pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong daanan.

Ang mga kalsadang isinara bunsod ng Alay Lakad ay ang:

  • kahabaan ng Bonifacio Drive Southbound (mula Anda Circle to Katigbak Drive)
  • kahabaan ng Roxas Blvd. Southbound (mula Katigbak Drive to P. Ocampo)
  • Katigbak Drive and South Drive
  • Independence Road
  • Kalaw Avenue Westbound (mula M. H. Del Pilar to Roxas Blvd.)
Facebook Comments