Ilang kalsada sa bansa, hindi muna madaraanan dahil sa Bagyong Egay – DPWH

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dalawang malalaking lansangan sa Region 12 at Cordillera Administrative Region (CAR) ang hindi maaaring daanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Ito ay dahil sa pagguho ng lupa, nawasak na pavement, at baha na dulot ng Bagyong Egay.

Sa Region 12, hindi maaaring madaanan ng lahat ng sasakyan ang: Awang – Upi Lebak Kalamansig Palimbang Sarangani Road, sa Barangay Kidayan Sultan Kudarat.


Sa CAR, hindi muna maaaring madaanan ang Baguio Bontoc Road Mt Data Bauko Mountain Province.

Binuksan naman ang alternatibong ruta, sa Salin-Balincanao Provincial Road habang ang mga malalaki at mabibigat na sasakyan ay maaaring dumaan sa Abatan, Buguias – Mankayan – Cervantes Mt. Province.

Samantala, may ilang lansangan din sa CAR na isang lane lang ang maaaring daanan at mga light vehicles lang ang maaaring dumaan: Abra, Ilocos Norte Road, sa Cabaroan Danglas Abra; at Banaue Hunduan

Ayon sa DPWH, naglagay na ng warning signs sa mga nasirang lansangan, at may mga tauhan na ang ahensiya na magkulumpuni sa mga nasirang kalsada.

Facebook Comments