Ilang kalsada sa Barangay Hulo ng Mandaluyong, isinara

Ipinagutos ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City na isara ang ilang kalsada ng isang Barangay nito bilang bahagi ng hakbang sa pagpigil ng pagkalat ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Nakapaloob sa Executie Order no. 12 series of 2020, na ipinatutupad ang Heightened Community Quarantine (HCQ) sa mga kalsada ng Barangay Hulo ng nasabing lunsod matapos magkaroon ito ng tatlong kasong positibo sa COVID-19.

Ang kalsada ng Soniboy at F. Blumentritt St. ay ipinagutos ang complete closure.


Habang ang kalsada ng J. Rizal, San Francisco, Private Road, at Coronado ay nasailalalim naman ng partial closure.

Batay sa pinakahuling tala kahapon ng Mandaluyong City Health office, apat pa ang nadagdag sa bagong kaso ng covid 19 sa Lungsod, kung saan Umabot na ito sa 39 na positibo sa nasabing virus.

Tatlo pa ang naidagdag sa listahan ng mga nasawi kung saan umabot na ito sa siyam.

Facebook Comments