Ilang kalsada sa Cagayan at Nueva Vizcaya, hindi parin madaraanan ng mga motorista

Nananatiling unpassable sa mga motorista ang ilang kalsada sa Region 2 dahil sa epekto ng Bagyong Obet.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang tatlong road sections sa Cagayan at walong kalsada sa Nueva Vizcaya.

Partikular dito ang Mapulapula Road, Capanickian-Mapurao municipal road at Bagu Sitio Dammang Access Road sa Cagayan.


Maging ang ilang kalsada sa Nueva Vizcaya ay unpassable sa lahat ng uri ng sasakyan kabilang dito ang Poblacion-Nalay-an Rd., Poblacion-Salingsingan Rd., Tiblac-Duli Road, Nalay-an Labang Rd., Tiblac-Laylaya Rd., Acab-Labang Rd. at Poblacion-Baclas Rd.

Kasunod nito, nagpadala na ang DPWH ng team upang alisin ang mga guho, nagsibuwalang mga puno at para kumpunihin ang mga nasirang kalsada para ito ay madaanan na ng mga motorista.

Facebook Comments