
Nag-anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño de Pajotan sa Barangay Maypajo.
Kabilang sa mga pansamantalang isasarang kalsada ang J.P. Rizal, Maypajo, Boundary ng Caloocan at Maynila (A. Mabini), C-3 Southbound.
Ang mga nabanggit na kalsada ay isasara sa Linggo, January 25, 2026, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Samantala, ipatutupad ang zipper lane sa C-3 Southbound, mula Dagat-dagatan hanggang A. Mabini, upang maibsan ang daloy ng trapiko.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta, dahil inaasahang dadagsa ang mga deboto sa isasagawang prusisyon matapos ang misa ng alas-7:00 ng umaga.
Facebook Comments










