Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sarado pa rin sa mga motorista ang siyam na kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.
Ito’y dahil sa epektong dulot ng Bagyong Nika at Ofel na nararanasan ngayon sa nasabing lugar.
Anim na kalsada sa CAR at tatlo sa Cagayan Valley ang pansamantalang sarado dahil sa landslide, pagguho ng lupa at pagbaha.
Bukod dito, nasa 10 kalsada sa CAR at tatlo sa Region 2 ang naiayos na at bukas na sa mga motorista.
Samantala, inalerto na ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang kanilang Disaster and Incident Management Teams (DIMT) sa posibleng epekto ng Bagyong Ofel.
Nasa 4,855 na tauhan at 790 na equipment ang nakapwesto na sa CAR, Region 1, 2, 3, at 5 upang i-monitor ang sitwasyon at rumesponde kung kinakailangan.