ILANG KALSADA SA DAGUPAN, PATULOY NA BINABAHA

Habang patuloy ang kontruksyon sa pagpapataas ng ilang kalsadahan sa Dagupan City ay patuloy pa rin na nakararanas ng pagbaha ang mga pangunahing lansangan sa lungsod, bunsod ng high tide na pinalalala pa ng mga pag-ulan.
Sa kabila ng iba’t-ibang flood mitigating at dredging operations na isinasagawa, binaha pa rin ang ilang kalsada sa lungsod, partikular na sa may bahagi ng M.H. Del Pilar St. at A.B. Fernandez Junction.
Idagdag pa ang mabahong amoy na dulot ng pagbaha kung saan nagdudulot ng abala sa mga taong napapadaan dito.

Inaasahan ng mga residente, maging ng mga taong napapadaan sa mga naturang lansangan na mas mapabilis pa ang iba’t-ibang operasyon na isinasagawa upang mabawasan ang iba’t-ibang epekto ng pagbaha, lalo na ngayong tag-ulan.
Kaya naman, sa panahong gaya nito, inaabisuhan ang bawat isa na maging maingat, handa, at magdala ng payong o iba pang panangga sa ulan.
Samantala, para sa mga dadaan sa mga bahaing lugar, mas maigi kung magdadala ng bota upang maiwasang sumuong sa baha. |ifmnews
Facebook Comments