Ilang kalsada sa Luzon, isinara ng DPWH dahil sa mga pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan

Dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian, isinara ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang kalsada sa Luzon.

Simula alas-6:00 kagabi, hindi na pinapadaanan ang mga sasakyan sa lahat ng lane ng Baguio-Bontoc Road at Busa Bridge sa Sabangan, Mt. Province; Abra-Kalinga Road sa Gacab, Malibcong, Abra; Mindoro West Coastal Road, Pag-asa Section sa Sablayan, Occidental Mindoro at Manila Cavite Road.

Sa ulat ng DPWH, hindi na rin madaanan ang Junction Layac Balanga, Mariveles Port Road Zigzag section sa Bataan dahil sa nag-collapse na wheel guard.


Sarado na rin sa light vehicles ang mga kalsada sa Region 3 dahil sa pagbaha, kabilang ang Apalit Macabebe Masantol Road at Intermittent Sections sa Pampanga; Igaa Plaridel via Bulacan at Malolos at Manila North Road, Saluysoy Section sa Bulacan.

Gayundin ang Lemery-Taal Diversion Road sa Batangas at Cavite-Batangas Road.

Dahil dito, aabot sa 338 DPWH personnel ang kasalukuyang naka-deploy kabilang ang 51 equipment at service vehicles para sa monitoring at restore access sa mga affected section.

Facebook Comments