Ilang kalsada sa Luzon, sarado pa rin sa publiko dahil sa mga nagdaang bagyo

Nananatili pa ring nakasara ang 16 na kalsada sa Luzon dahil sa ginagawang clearing operations matapos ang mga nagdaang bagyo.

Mula sa nasabing bilang, 10 rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), habang tig-3 naman sa Ilocos Region at Central Luzon.

Umakyat naman sa 15 kalsada, mula sa dating 11 kahapon, ang limitado sa mga maliliit na sasakyan ang pinararaan; 2 sa CAR, 8 sa Ilocos, 4 sa Central Luzon at 1 sa Western Visayas.


Samantala, pumalo na sa P6,978,388.00 o halos pitong bilyong piso ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng mga nagdaang habagat at Bagyong Egay.

Ito ang iniulat ng Department of Public Works and Highways o DPWH batay sa kanilang isinagawang monitoring and assessment ngayong araw.

Ayon sa DPWH, kabilang sa mga nakapagtala ng pinsala dulot ng kalamidad ay ang mga rehiyon ng CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.

Facebook Comments