Ilang kalsada sa Makati isasara dahil sa proclamation rally

Abiso sa mga motorista.

Dahil isasara pansamantala ng Makati Public Safety Department (MAPSA) ang ilang kalsada sa lungsod ng Makati at pinapayuhan ang mga motorista na humanap muna ng alternatibong madaraanan simula ngayong araw hanggang sa Sabado, March 30.

Simula kasi ngayong alas 7 ng umaga sarado na ang Lawton Avenue hanggang alas sais ng umaga sa Sabado dahil sa isasagawang proclamation rally ng Team Performance candidates.


Sarado at hindi madaraanan ng mga sasakyan ang kahabaan ng Lawton Avenue magmula Kalayaan Avenue hanggang J.P. Rizal Extension sa Barangay Northside, Makati City.

Magpapakalat naman ang Public Safety Department ng mga traffic enforcers para gabayan ang mga motorista.

Facebook Comments