Pansamantala munang isinara ang ilang mga kalsada sa Maynila para sa pag-gunita ng Rizal day, ngayong araw (December 30).
Sa inilabas na traffic advisory ng Manila Police District (MPD), ito ay upang bigyang daan ang isasagawang mga programa bilang paggunita sa ika-123 anibersayo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Sa abiso ng MPD, kabilang sa mga isasarang kalsada ang North at South bound lane ng Roxas boulevard mula Katigbak hanggang T.M. Kalaw kaninang 6:00 ng umaga.
Magpapatupad din naman ng traffic re-routing ang MPD kung saan ang mga trailer truck at heavy vehicles na patungong Roxas boulevard mula P. Ocampo sa Pres. Quirino Avenue muna dumaan.
Para naman sa mga sasakyang manggagaling sa Mcarthur, Jones at Quezon bridge, dapat na dumaan ito sa round table o Taft avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, tiniyak naman ng MPD na ang mga isasarang kalsada ay naka depende sa magiging lagay ng trapiko.