Ilang kalsada sa Mandaluyong, binaha na matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan

Nagdulot na rin ng pagbaha sa ilang kalsada sa Mandaluyong ang walang tigil na pag-ulan.

Batay sa monitoring ng Mandaluyobg City Disaster Risk and Reduction Management Office (MCDRRMO), alas-12:00 ngayong tanghali, lampas talampakan na ang taas ng tubig-baha sa Barangay Daan Bangkal sa may bahagi ng 159 Haig Compound.

Ganoon din ang sukat ng tubig-baha sa Barangay New Zaniga sa kahabaan ng Balesteros St, I. Lopez St., at F. Ortigas.


Hindi naman ito nagdulot ng mabigat na trapiko dahil sa kakaunti lang ang sasakayan na dumaraan dito.

Samantala, sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkaroon din ng pagbaha sa kahabaan ng Karangalan Street at Kalusugan Stresst sa Dela Paz kung saan hindi na ito madaanan ng mga light vehicle.

Gutter deep naman ang baha sa Villa Munsod hanggang San Dionisio, at Metroville Imelda Ave. sa Pasig.

Nabatid na nararanasan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa buong Metro Manila na dala ng Southwest Monsoon o Habagat.

Facebook Comments