Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ilang kalsada sa mga susunod na araw dahil sa ipatutupad na partial at complete lockdown bunsod ng idaraos na ASEAN summit sa bansa.
Inaabisuhan ni Interior and Local Government Officer-in-Charge Catalino Cuy, na siya ring chairperson ng ASEAN Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response ang mga motorista na huwag na munang dumaan sa CCP Complex sa Pasay City sa November 8
(12:01 AM onwards) dahil sa partial lockdown.
November 11 (10:00 PM onwards) – Complete lockdown of SMX-MAAX Block, Pasay City.
November 12 (12:01 AM onwards) – Complete lockdown of CCP Complex, Pasay City.
November 13 (12:01 AM onwards) – Total lockdown of Roxas Boulevard starting from Padre Burgos Ave. to Buendia Ave., Manila.
Habang magpapatupad naman ng Partial lifting of lockdown sa SMX-MAAX Block, Pasay City sa November 13 (12:01 AM onwards).
November 13 (12:00 NN onwards) – Lifting of lockdown for Roxas Blvd. (Padre Burgos Ave. to Buendia Ave., Manila).
November 14 – Continuous lockdown of CCP Complex, Pasay City.
November 15 (12:00 NN onwards) – Partial lifting of lockdown for CCP Complex, Pasay City.
Maging ang mga pedestrians na walang ASEAN ID at mga sasakyang walang ASEAN Decals ay hindi muna magagamit ang mga nabanggit na kalsada sa naturang mga petsa.