Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa pag-gunita ng Rizal day bukas

Ilang kalsada sa Maynila ang pansamantalang isasara bukas, December 30, para bigyang-daan ang aktibidad sa paggunita ng Rizal day.

Sa abiso ng Manila Police District (MPD), isasara ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang tm kalaw simula alas 6:00 ng umaga.

Magpapatupad din ng traffic rerouting ang MPD:


Sa mga sasakyan mula sa Delpan bridge-pier zone, kumaliwa sa P. Burgos, kumanan sa Ma. Orosa papunta sa kanilang destinasyon.

Para sa mga truck o iba pang mabibigat na sasakyan mula sa Delpan bridge pier zone, kumaliwa sa P. Burgos saka dumiretso sa finance rd-Ayala Boulevard, kumanan sa san marcelino papunta sa kanilang destinasyon.

Sa mga bibiyahe mula Northbound ng Roxas Boulevard, kumanan sa tm kalaw, kumaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.

Sa mga heavy vehicles na babiyahe sa kaparehong kalsada mula P. Ocampo, kumanan sa Pres. Quirino avenue papunta sa destinasyon.

At para naman sa mga magmumula sa Mcarthur, Jones at Quezon bridge, dumaan sa round table saka pumunta sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.

Facebook Comments