Ilang kalsada sa Metro Manila, sasailalim sa road reblocking ngayong weekend

Abiso sa mga motorista!

Nagsimula na ang Department of Public Works and Highway (DPWH) sa pagsasagawa ng kanilang road reblocking at repair sa ilang kalsada sa Metro Manila bandang alas-11:00 ng gabi kagabi.

Buhat nito, asahan ang pagsikip ng daloy ng trapiko dahil sa pagkukumpuni sa mga sumusunod na lugar:


• Kahabaan ng EDSA Northbound sa may Santolan MRT Station linya ng EDSA Bus Carousel, ikatlong lane mula sa center island pagkalagpas ng P. Tuazon Flyover hanggang Aurora Tunnel, 2rd lane mula sa island pagkalagpas ng Aurora Blvd hanggang New York St., katabi ng center island pagkalagpas ng Kamuning/Kamias Road hanggang sa Bus station ng JAC Liner
• 2nd Lane ng C-5 Road sa Makati
• Unang linya mula sa center island ng Southbound ng Fairview Avenue malapit sa Fleur De Lis hanggang sa Labayane
• Ikalawang block mula sa center island ng Katipunan Avenue C-5 southbound corner C.P. Garcia Avenue pagkalagpas ng intersection
• Outer lane ng Cloverlead EDSA northbound hanggang segment ng NLEX northbound
• Outer lane ng Roosevelt Avenue malapit sa panulukan ng EDSA
• EDSA Southbound sa Quezon City sa may U-turn slot service road sa harapan ng GMA Building, third block ng Service road sa Kamuning intersection at kahabaan ng 2nd block sa Service road sa harapan ng Kamuning Police Station
• EDSA Southbound sa Quezon City sa kahabaan ng Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge

Inaasahang magtatagal ang maintenance activities hanggang August 30 at magiging fully passable na ito sa publiko pagsapit ng alas-5:00 ng umaga sa Martes.

Facebook Comments