Ilang kalsada sa Navotas City, isasara para sa paggunita ng Undas

Manila, Philippines – Base sa abiso ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas, isasara sa mga motorista ang kahabaan ng Gov. Pascual st mula Bacog, brgy. Daanghari hanggang Loz Martinez, brgy. San Jose sa Oktubre 31 mula ala 1 ng hapon hanggang alas 12 ng madaling araw ng November 1.

Ito ay upang bigyang daan ang mga magtutungo sa Navotas City Cemetery para sa Undas.

Samantala, nagpaalala rin ang Navotas LGU na hanggang alas 5 n lamang ng hapon sa Oktubre 30 ang huling araw ng paglilinis ng puntod sa Navotas City Cemetery at matapos nito ay hindi na pahihintulutang magpasok ng mga panlinis at pintura sa sementeryo.


Facebook Comments