Ilang kalsada sa NCR, isasarado ngayong weekend

Magsasagawa ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila hanggang Abril 4.

Nagsimula ang road reblocking kagabi, Abril 1, at matatapos ito hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga lugar na apektado ng road reblocking ay:


NORTHBOUND
• EDSA cor. Panay Ave. hanggang Mother Ignacia (unang kanto mula sa bangketa).
• EDSA malapit sa Quirino Highway Exit
• EDSA – Quezon City Bago at matapos ang Gate 3 (ika-3 kanto mula sa MRT lane)
• Main Avenue hanggang P. Tuazon Flyover (ika-2 lane mula sa bangketa)
• EDSA Main Avenue matapos ang P. Tuazon hanggang Aurora Boulevard
• EDSA Pasay City innermost lane (bus way), sa P. Santos St. papuntang EDSA – Evangelista footbridge.

SOUTHBOUND
• EDSA Caloocan sa harap ng A. De Jesus St. (ika-5 lane mula sa bangketa)
• Timog Ave. Boy Scout Rotunda (una at ika-2 lane mula sa driveway.)
• C5 Road (Ugong Norte Southbound)
• C5 Road (Bagumbayan Southbound)
• C5 Road (Ugong Southbound)
• C5 service road (Bagong Ilog Southbound)
• C.P. Garcia Ave. bago mag-Katipunan Ave. (ika-2 lane mula sa bangketa)
• C5 Northbound (inner lane), Makati City

Facebook Comments