Ilang kalsada sa paligid ng mga sementeryo sa Manila, isasara para sa undas

Manila, Philippines – Nag-abiso ang Manila Traffic and Parking Bureau sa mga motorista at sa mga magtutungo sa mga sementeryo sa lungsod ng Maynila partikular na sa Manila North Cemetery, Laloma Cemetery at Chinese Cemetery.

Sa ipinalabas na advisory ng Manila Traffic and Parking Bureau simula madaling araw ng Nov.1 hanggang alas singko ng umaga ng Nov.2 ay isasara ang mga sumusunod na kalsada:ang kahabaan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue, ang kahabaan ng Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt,ang kahabaan ng P .Guevarra mula Cavite St hanggang Pampangga,ang Kahabaan ng Blumentritt mula A.Bonifacio hanggang P..Guevarra,ang Kahabaan ng Retiro mula Dimaslaang hanggang Blumentritt Extension,ang Kahabaan ng Leonor Rivera mula Cavite St hanggang Aurora Blvd.

Sa mga magtutungo naman sa Manila North Cemetery,ang itinalagang mga parking areas ay ang Kahabaan ng Craig St,Simon St, F. Huertas St, Sulu St., Oroqueta st.,at sa Metrica St.habang bawal naman magpark sa Retiro at Laon laan.


Sa mga magtutungo naman sa Laloma at Chinese Cemetery maaaring magpark sa P.Guevarra St., Oroqueita st,F.Huertas St.,Bulacan St.,Tecson St.,Sulu St.,M.Hizon St.,Kalimbas St.,
at Natividad St.habang bawal naman magparada sa Pamapangga St., Rizal Ave. at Aurora Street.

Inaabisuhan ng MTPB ang mga motorista na maghanap na lang muna ng alternatibong Ruta.

Facebook Comments