Ilang kalsada sa paligid ng Tugatog Public Cemetery sa Malabon City, pansamantalang isinara ngayong bisperas ng Undas

Pansamantalang isinara ang ilang kalsada na nakapaligid o malapit sa Tugatog Public Cemetery sa Malabon City ngayong bisperas ng Undas.

Ilan sa mga sinarang kalsada ay ang M.H. Del Pilar Street corner Plata, M.H. Del Pilar corner Paz, Plata corner Bronze, Plata corner Acero, Acero corner Dr. Lazcano Street, Rizal Avenue corner General Luna, at Rizal Avenue corner Manapat.

Samantala, one-way traffic scheme naman ang ipinapatupad sa bahagi ng P. Aquino corner Dr. Lazcano Street ngayong umaga.

Ayon sa Traffic Bureau ng Malabon, magpapatuloy ang road closure sa mga nabanggit na kalsada hanggang November 2.

Samantala, paunti-unti nang dumadagsa sa Tugatog Public Cemetery ang mga bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing dito.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng misa sa loob ng sementeryo na dinaluhan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

Maayos pa naman ang sitwasyon sa loob at labas ng naturang sementeryo, kung saan wala pang naitatalang nakumpiskang mga ipinagbabawal na gamit.

Bukod dito, nakatalaga naman sa labas ng Tugatog Public Cemetery ang Command Post at Information Desk ng Malabon local government unit (LGU).

Facebook Comments