Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Tayug sa mga motorista at residente tungkol sa pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapiko ngayong araw, Disyembre 8, kasabay ng Christmas Light Opening ng bayan.
Ayon sa inilabas na traffic advisory, mula alas-8 ng umaga hanggang matapos ang programa, sarado ang buong Quezon Blvd. para sa aktibidad.
Half-lane naman ang maaari lamang daanan sa Magsaysay Street at bahagi ng Rizal Street.
May inilaan ding espesyal na ruta papasok at palabas ng Plaza para sa selebrasyon.
Dahil dito, hinihikayat ang publiko na magplano ng biyahe nang maaga at gumamit ng alternatibong daan upang maiwasan ang abala.
Pinapayuhan din na sundin ang itinakdang traffic scheme, mga traffic enforcer, at mga signage para sa rerouting ng mga sasakyan.









