Ilang Kalsada sa Tuguegarao City, Sarado pa rin sa mga Motorista

22

Cauayan City, Isabela- Nananatili pa ring sarado sa mga motorista ang ilang kalsada sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ay dahil sa lubog pa rin sa tubig ang ilang kalsada dahil sa nararanasang panaka-nakang ulan.


Ayon kay City Information Officer Lenie Umoso, kinabibilangan ito ng Pinacanauan nat Tuguegarao AVE. cor. Aguinaldo St.; Pinacanauan Nat Tugue cor Cataggaman Nuevo Highway, Pinacanauan Nat Tugue cor Bonifacio, Pinacanauan Nat Tugue cor Taft, Annafunan East Provincial Road cor. Aquino St., Tumanguil St., Bancud St., Magora St., at Core Shelter Rd., Taguinod St.

Matatandaan na ang core shelter ang isa sa matinding nakaranas ng pagbaha noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses kung kaya’t malaking bahagi ng lungsod ang nalubog noon sa baha.

Samantala, binuksan na sa mga motorista ang Capatan Overflow bridge matapos humupa ang lebel ng tubig.

Facebook Comments