Ilang kalsada sa Valenzuela, isinara na ngayong araw hanggang November 1 para sa Undas

Nagpaalala ang Valenzuela City local government unit (LGU) sa mga motorista kaugnay ng traffic re-routing scheme ng pamahalaang lungsod para sa mga dadalaw sa iba’t ibang sementeryo ngayong Undas.

One-way traffic ang ipaiiral sa F. Valenzuela Street, at ipagbabawal ang pagparada ng mga sasakyan sa kalsada para sa mga tutungo sa Polo Catholic Cemetery at Polo Memorial Park mula ngayong araw hanggang bukas.

Isasara rin ang daan sa kahabaan ng Cordero Street patungong Arkong Bato Public Cemetery.

Bukas, ipatutupad naman ang one-way traffic sa C. Molina Street mula corner T. Santiago Street patungong Valenzuela Memorial Park.

Epektibo rin bukas, isasara sa lahat ng uri ng sasakyan ang G. Marcelo Street hanggang corner NLEX service road para sa mga magtutungo sa Karuhatan Public Cemetery, Saint John Cemetery, Saint Perpetua Cemetery, at Saint Angelus Cemetery.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments