Nagsisimula nang maglagay ng mga barrier o harang ang Pasig City Police sa mga kalye ng Barangay Manggahan sa Pasig dahil sa ipatutupad na localized lockdown na magsisimula mamayang hatinggabi.
Kabilang dito ang mga kalye ng Pipino, Labanos, Okra at Ubas kung saan nakapagtala ng biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Maliban sa mga barrier, nagtayo na rin ng mga tent sa labasan at pasukan ng mga naturang kalye.
Hindi pa masabi ng lokal na pamahalaan kung hanggang kailan tatagal ang lockdown.
Tiniyak naman ni Mayor Vico Sotto na mamamahagi sila ng food packs para hindi na kailanganin pang lumabas ng bahay ang mga residenteng maaapektuhan ng lockdown.
Facebook Comments