Ilang kalye sa Marikina City, inilockdown ni Mayor Teodoro

Nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na mananatiling naka-lockdown lamang ang F. Manalo Street Barangay Nangka Marikina City hanggang matapos ang contact tracing ng Marikina City Government.

Ayon kay Mayor Teodoro, iniutos niyang i-lockdown ang F. Manalo St. sa Barangay Nangka dahil ang naturang lugar ay malapit sa talipapa at maraming tao ang gumagala na posibleng marami ang mahahawaan kung hindi nito agad na nila lockdown ang lugar.

Paliwanag ng alkalde, matatao ang naturang lugar kaya napagpasihan nitong gumawa kaagad ng kaukulang aksyon bago pa mayroong mahahawaan.


Dagdag pa ni Teodoro, nagsasagawa pa sila ng contact tracing sa lugar kaya agad na inilockdown ang F. Manalo pero pagkatapos ng tracing ay muli nitong pabubuksan para makagawa ng normal na pamumuhay ng mga residente roon.

Giit ng alkalde mahalaga na matukoy kung sinu-sino ang mga nagpositibo sa COVID-19 para makagawa kaagad ng kaukulang aksyon ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina.

Facebook Comments