Ilang kandidato ng BSK Elections, nagpasaklolo sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may ilang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang lumalapit na sa kanilang tanggapan.

Ito’y para humingi ng karagdagang seguridad dahil umano sa banta sa kanilang buhay lalo na kung nasa lugar sila na may mainit na laban sa pulitika.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda, kanila na itong isinailalim sa assessment at masusing pag-aaral.


Sa kasalukuyan, sinabi ni Acorda na may binabantayan silang pitong hinihinalang insidente ng karahasan na may kinalaman sa halalan buhat nang magsimula ang paghahain ng kandidatura.

Subalit ito’y inaalam pa aniya ng PNP kung may kinalaman talaga sa nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments