Manila, Philippines – Nag-concede na ang ilang senatorial candidates sa katatapos lang na midterm elections.
Sa oposisyon, unang nagpahayag ng pagtanggap ng pagkatalo si Otso Diretso Atty. Romulo Macalintal na agad na nagpasalamat sa oportunidad na naranasan.
Ayon kay Macalintal, inirerespeto niya ang pasya ng mga botante at tinatanggap niya ang pagkatalo.
Maging si Otso Diretso bet Samira Gutoc ay nagpahayag na din ng pagkatalo at sinabing saludo ito sa taongbayan.
Tinanggap na rin ni independent senatoriable Jiggy Manicad ang pagkatalo.
Aniya, klaro ang naging resulta ng eleksyon at kanya itong inirerespeto.
Habang sa social media naman ipinarating ng senatorial aspirant na si Doc Willie Ong ang kanyang pag-concede kasabay ng pagpapasalamat sa mga nagtiwala sa kaniya.