Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish at iba pang pagkain na mula sa dagat.
Ito ay matapos makitaan ng ahensya ng red tide toxin o Paralytic Shellfish Poison (PSP) ang ilang karagatan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa kanilang abiso, positibo sa red tide ang karagatan ng Milagros sa Masbate, Sorsogon Bay, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong-irong Bay sa Western Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) sa Misamis Occidental, Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga Bay sa Surigao del Sur at ang Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Ayon sa BFAR, lahat ng shellfish at alamang na mula sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin ng tao.
Pero ang isda, pusit, hipon at alimango ay pwede namang kainin basta’t sariwa at nilinis nang mabuti bago lutuin.