Tuloy na tuloy na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa kanyang ika-limang pagtungo sa nasabing bansa.
Magtutungo ang Pangulo sa darating na August 28 hanggang Sept 1.
Ang biyahe ng Pangulo ay bunsod ng imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping kung saan ay magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider.
Kaugnay nito’y inihayag ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje na walang naka-schedule na one-on-one meeting sina Pangulong Duterte at Pres Xi.
Nabatid na ito na ang magiging ika-walong pagpupulong nina Pangulong Duterte at ni President Xi na dito’y inaasahan ding ilang kasunduan at memorandum of understanding ang lalagdaan.
Ilan dito ayon kay DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre ay ang agreement na may kinalaman sa education, science and technology, economic at social development.
Inaasang matatalakay sa bilateral meeting ng dalawang Presidente ang tungkol sa pagpapalakas pa ng functional cooperation at mutual interest ng Pilipinas at ng China.